LALAKING MAY WARRANT NAHARANG SA NAIA

NAHARANG sa NAIA Terminal 3 ang isang lalaking pasahero na patungo sanang Hongkong matapos matuklasang may nakabimbin siyang warrant of arrest na halos 12 taon na.

Inaresto ang suspek nitong Martes ng hapon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) matapos beripikahin ng Bureau of Immigration (BI) na may warrant siyang inilabas ng Quezon City RTC Branch 125 noong Setyembre 26, 2014 sa kasong Malversation of Public Property.

May nakalaang P40,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station-3.

Binigyang-diin ni AVSEGROUP Director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr. na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan upang hindi makatakas ang mga indibidwal na may nakabinbing kaso.

(CHAI JULIAN)

1

Related posts

Leave a Comment