BADOY NAGBAYAD NG P30K MULTA SA PAGBABANTA SA MANILA RTC JUDGE — SC

NAGBAYAD na ng P30,000 multa si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy matapos hatulang guilty sa kasong indirect contempt, ayon sa Korte Suprema.

Nag-ugat ang kaso noong August 2023 nang parusahan si Badoy dahil sa sunod-sunod na online attacks laban kay Judge Marlo Magdoza-Malagar ng Manila Regional Trial Court Branch 19.

Noong September 21, 2022, naglabas ng resolusyon si Judge Malagar na nagbasura sa petisyon ng Department of Justice na ideklarang terrorist group ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa ilalim ng Human Security Act.

Makalipas ang ilang araw, nag-post si Badoy sa Facebook ng mga pahayag laban sa hukom, tinawag itong kaibigan ng CPP-NPA-NDF, at nagbanta pa umano ng pagpatay at pambobomba sa mga opisina ng mga hukom na itinuturing niyang kaalyado ng mga terorista.

Dahil dito, naghain ng petisyon ang ilang grupo ng mga abogado upang ipa-cite si Badoy sa indirect contempt.

Ayon sa Korte Suprema, mahalagang mabalanse ang kalayaan sa pagpapahayag at ang proteksyon sa judicial independence. Sa huli, nagbayad na si Badoy ng P30,000 bilang multa.

(JULIET PACOT)

11

Related posts

Leave a Comment