APAT NA SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA LANAO DEL NORTE

LANAO DEL NORTE — Apat na tauhan ng Philippine Army ang nasawi matapos tambangan ng Dawlah Islamiyah–Maute Group (DI-MG) sa Munai, kahapon.

Agad na naglunsad ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga umatras na terorista. Mariing kinondena ng Army ang insidente na tinawag nilang karumal-dumal at duwag na pag-atake.

Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, pinaigting na ang operasyon katuwang ang PNP, LGUs, at partner communities upang tugisin ang natitirang mga miyembro ng DI-MG.

“We mourn the loss of our four valiant troops… There will be no let-up in our operations,” ani Nafarrete.

(JESSE RUIZ)

42

Related posts

Leave a Comment