MAHIGPIT nang ipagbabawal sa Parañaque City ang pagsusuot ng helmet, mask, at iba pang pantakip sa mukha sa loob ng mga establisyimento at pampublikong lugar.
Ito ay matapos aprobahan ang City Ordinance No. 2025-30 (69) o Anti-Face Concealment Ordinance of Parañaque City, na inakda ni Councilor Pablo Olivarez II at nilagdaan ni Mayor Edwin Olivarez noong Nobyembre 13, 2025.
Saklaw ng pagbabawal ang pagsusuot ng helmet, bonnet, ski mask, balaclava, full-tint face shield, industrial mask, at iba pang katulad na pantakip sa mukha sa mga establisyimentong pangkomersyo, gobyerno, edukasyon, at pinansyal.
Kasama rin sa ipinagbabawal ang pagsusuot nito kapag ang indibidwal ay malayo na sa motorsiklo, o nasa mga lugar gaya ng kalsada, bangketa, palengke, parke, parking area, at crime-prone zones.
May exemptions lamang kung may medical reasons, opisyal na public health emergency, religious o cultural practices, at sa aktwal na pagmamaneho ng motorsiklo.
Ang ordinansa ay ipatutupad ng Parañaque City Police, barangay tanod, at Traffic and Parking Management Office.
(CHAI JULIAN)
2
