“’KALA ba namin, eh, maka-mahirap si Willie Revillame?”
Napapailing na lang na ibinungad ito sa amin ng isa naming taga-barangay sa Pasay City, isa sa 40 kataong pinalad makapanood at makapaglaro sa “Wowowin” ng GMA nitong June 4, Martes.
Alas-diyes pa lang daw ng umaga’y gumayak na sila with the program name-emblazoned violet T-shirt na ipinagawa pa nila. A 20-minute MRT ride would get the group to the network studio, bale annex ng GMA.
Kabilang sa kuwarenta katao na ‘yon ay mga housewives or sari-sari store owners who took time off from their chores, makasali lang sa mga contest na kahit paano’y puwede nilang pagkakitaan.
In fairness, hindi naman daw sila matagal na pinaghintay sa labas ng GMA Annex. Hindi pa man daw nagsisimulang rumolyo ang kamera (taped episode ‘yon which airs this June 11) ay pinapasok na sila.
Nakapuwesto ang mga “delegado” mula sa Pasay sa bandang harapan ng stage, na sa sobrang sigla at energy ay kinabog ang ibang studio audience.
Once inside the “Wowowin” studio, masuwerteng apat sa 40 katao na ‘yon ang nakapaglaro sa “Putukan Na” segment, a game of speed and precision. Sa bansang huli, sila ang nanalo taking home a cash prize of P10 thou na pinaghati-hatian nila (minus the 36 other members).
Pero ang sumunod na segment na mala-multiple choice ay nganga sila. Tinabla rin daw sila ni Willie sa “Hephep Hooray” segment.
But there was still hope left.
Umasa na lang ang grupo na sa bigayan ng P10 thou bago magtapos ang programa’y ‘yun na lang ang idi-divide nila. At least, may tigpo-P400 sila, kesa naman totally nganga.
Dumating ang last part.
Wala raw studio audience ang umuwing luhaan maliban sa mga taga-barangay ko na asang-asa pa naman.
Ang masaklap, kahit off-mic ay narinig daw nila si Willie na pananabla nito sa kanila, “Naku, mga taga-Pasay lang ‘yan. Mga nasa tabi-tabi lang ang mga ‘yan.”
“Lang”? Ano kaya ang ibig sabihin ni Willie sa pagtawag sa mga residente na taga-Pasay lang? Hindi ba’t kilalang maka-mahirap si Willie, bakit nilala-lang-lang niya ang mga tagaroon?
Geographical distance ba ang ibig ipakahulugan lang du’n ni Willie? Mula lang kasi sa Pasay, at hindi sa Paoay o Panay?
O, may ibang connotation sa kanya ang syudad other than the location of his favorite hotel casino?
Social hypocrisy ba ang puwedeng itawag du’n, na kunwaring pro-poor ang TV host pero matapobre pala?
Gabi na noong ibalita sa amin ng aming mga taga-barangay ang tungkol sa sinapit nila that we couldn’t help but sigh in disappointment.
“Kawawa-win.”
163