PHILHEALTH HAHAWAK SA UHC LAW: DELIKADO!

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL sa panibagong anomalya sa Philhealth nang bayaran nito ang “ghost dialysis” ng isang dialysis center sa Quezon City, lalong delikado umano ang kontribusyon ng mga miyembro nito dahil sa Universal Health Care (UHC) Law.

Sa panayam kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, sinabi nito na hindi sila bumoto sa UHC law sa Kongreso dahil ang Philhealth ang magiging lead agency sa pagpapatupad ng nasabing batas.

“With past and present corruption controversies, ano ang credibility ng Philhealth (na manguna sa pagpapatupad ng UHC law) ,” tanong ni Casilao kaya hindi bumoto ang Makabayan bloc sa nasabing batas.

Sinabi ni Casilao na lalong lumakas ang kanilang pangamba na delikado ang UHC law dahil sa panibagong katiwalian sa Philhealth nang matuklasan na binabayaran nito ang WellMed Dialysis Center sa mga ‘ghost dialysis’.

Ipinaliwanag ng mambabatas na kung hindi aalisin ang  Philhealth sa pag-iimplementa sa UHC law ay marami pang anomalyang magaganap umano dahil hanggang ngayon ay walang napaparusahan sa mga nakaraang katiwalian.

Magugunita na noong 2015 ay natuklasan ang anomalya sa operasyon ng ilang clinic sa katarata ng mga Philhealth members kaya malaki ang naisukang pondo.

Kabilang sa modus ng ilang mga sangkot na eye clinic ay inoopera ang katarata kahit walang consent ang mga Philhealth members subalit ayon kay Casilao ay walang naparusahan dito.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kung nais umano ng gobyerno na magtagumpay ang UHC law, alisan ng papel dito ang Philhealth at parusahan ang mga opisyales na sangkot sa mga anomalya.

“There’s should be no let up in investigating, prosecuting and hold accountable Philhealth officials regarding catarata and dialysis corruption,” dagdag pa ng mambabatas.

 

 

119

Related posts

Leave a Comment