(NI AMIHAN SABILLO)
BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa imbestigasyon na gagawin ukol sa kampanya ng pamahalaan na war on drugs.
Katunayan umano ay ipinauubaya na ng pulisya sa Office of the Solicitor General ang pagsagot sakaling magpatawag ng imbestigasyon ang UN Human Rights Council.
Kaugnay ito sa hirit ng mga Rapporteurs na silipin ang kalagayan ng Human Rights sa Pilipinas, tatlong taon mula nang ilunsad ang War on Drugs ng administrasyong Duterte
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, ang OSG ang nasa poder sumagot bilang opisyal na abogado ng pamahalaan.
Regular naman aniya nilang ina-update ang datos hinggil sa war on drugs at malinaw na mali ang ipinalalabas na datos ng mga kritiko ng gobyerno hinggil sa mga nasasawi sa mga ikinakasang operasyon ng pulisya.
Matatandaan na nauna nang inalmahan ng PNP ang pagkunsidera ng mga UN sa mga homicide cases at deaths under investigation na iniuugnay sa drug war na ayon kay Albayalde ay walang kaugnayan.
249