’18 BAGMEN’ MULING KAKASUHAN NI TRILLANES

SASAMPAHAN ng panibagong kaso si dating senador Antonio Trillanes IV ang 18 bodyguards ni dating kongresista Zaldy Co.

Inihayag ito ni Trillanes matapos siyang dumalo sa preliminary investigation kaugnay ng alegasyon ng 18 dating sundalo, na nag-akusa sa kanya ng umano’y pagtanggap ng pera mula kay dating Ako Bicol party-list representative Co upang suhulan ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Trillanes, may kaugnayan ang bagong reklamong kanyang ihahain sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4 tungkol sa mga flood control project.
“Magpa-file ulit ako sa kanila. ‘Yung tungkol doon sa hearing nila last week,” ani Trillanes.

Samantala, sinabi ni Atty. Levito “Levi” Baligod, abogado ng mga nagrereklamo, na karapatan ni Trillanes na magsampa ng kaso.

Ayon kay Baligod, nagsumite na siya ng karagdagang 14 na pangalan sa Senado upang maimbitahan sa susunod na pagdinig kung hindi pa rin kumbinsido ang mga senador sa testimonya ng 18 bagmen.

“Para ipa-subpoena nila, para sa susunod na pagdinig ay kilatisin nila. They ask incisive questions para malaman nila kung ano ‘yung alam ng 14 pa. Kung hindi pa sila kuntento sa katorse, meron akong inihanda pa na pito,” ani Baligod.

(JULIET PACOT)

113

Related posts

Leave a Comment