KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na nasa kustodiya na nila ang dalawang suspek sa pagpatay kay Alicia Lipata sa Caloocan City.
Ayon kay PNP-Public Information Office chief, PCol. Allen Rae Co, naaresto ang gunman na kinilalang si alyas “MS” at driver ng motorsiklo na si alyas “JA”.
Sinabi ni Co, naaresto ang mga suspek sa ikinasang manhunt operation nitong Huwebes ng umaga sa Mabalacat, Pampanga.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang hand grenades, caliber .45 at 9mm pistol.
Samantala, nasampahan na rin ang mga suspek ng kasong murder, at paglabag sa RA 10591 at RA 9516.
Sa ngayon, nananatili namang personal at may kinalaman sa trabaho ang nakikitang motibo sa krimen.
(TOTO NABAJA)
64 