MGA KUWENTO UKOL KAY RSA NG SMC

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MASASABING si Mr. Ramon S. Ang o RSA, ang CEO at chairman ng San Miguel Corporation (pinakamalaking kumpanya sa buong bansa at ika-siyam naman sa buong Southeast Asia), ang pinakamatulungin kundi man isa sa mga pinakamatulungin na bilyonaryo sa bansa.

Marami na akong narinig na kuwento ukol sa ginawang pagtulong ni RSA. Ang isa ay tungkol sa isang kasamahan sa hanapbuhay na may malubhang karamdaman. Hindi na umano dapat ire-renew ang sponsorship ng SMB sa programa nito sa radyo. Personal itong sumulat kay RSA at sinabi ang kanyang sitwasyon na siyang naging daan upang i-renew ang sponsorship ng SMB sa kanyang programa.

Ang isa pang kuwento ng pagiging matulungin at madaling lapitan nito ay galing mismo sa aking ama na si Mr. Ramon Tulfo, noong panahon na tumama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas na Yolanda sa Leyte. Humingi ang aking ama ng tulong kay RSA upang agad na makapunta sa Tacloban City at makapagdala ng agarang tulong sa mga nasalanta. Ipinahiram ng San Miguel CEO, ang isang eroplano ng Philippine Airlines na nasa ilalim pa SMC noon, kasama na ang mga pagkain at tubig.

Ang dredging operation na isinasagawa ng SMC ngayon sa ilang mga ilog tulad ng Tullahan/Tinajeros River sa Malabon, ang rehabilitasyon ng Pasig River at maging ang ilang ilog sa Pampanga at Bulacan kung saan itinatayo ngayon ng San Miguel ang isa sa mga pinakamalaking airport sa mundo, ay ilan sa mga inisyatibo ni RSA.

Nasa anim na bilyong piso (P6 bilyon) ang budget na inilaan ng San Miguel Corporation sa mga ito at walang hiningi na anomang kapalit sa gobyerno.

Isipin ninyo ang halagang natipid ng gobyerno sa pagsasaayos, paglilinis at pagpapalalim ng nabanggit na mga ilog na gobyerno dapat ang magpopondo.

116

Related posts

Leave a Comment