(NI BETH JULIAN)
PINAG-AARALAN na ng DoJ ang lahat ng ebidensya sa muling panloloko ng pamunuan ng Kapa Community Ministry International Incorporated.
Gayunman, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, pagpapaliwanagin nila ang mga opisyal ng Kapa para sa patas na imbestigasyon.
Kung makikitaan ito ng probable cause ay kakasuhan na ang mga kinatawan ng Kapa.
Iginiit pa ni Nograles na lumalabas na negosyo ang pagbibigay ng donasyon sa Kapa dahil ayon sa mga kasapi nito ay malaking pera ang bumabalik sa kanila matapos na mag-donate.
Kung hindi umano legal ang negosyo, malinaw na isa itong kaso ng tax evasion.
Gayunman, wala namang ibinigay na deadline ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Kapa.
275