MPD NAGSAGAWA NG SURPRISE INSPECTION SA DOJ, SC at CA

NAGSAGAWA ng sorpresang inspeksyon ang Explosive and Ordnance Division at K9 Unit ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Department of Justice (DOJ), Supreme Court (SC) at Court of Appeals (CA) upang matiyak na hindi na mauulit ang kamakailang insidente ng pagsabog.

Ayon sa MPD, bahagi ng pinaigting na security measures ang pag-iinspeksyon sa paligid ng mga judicial building.

Matatandaang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) na itinanim sa labas ng isang malaking puno sa DOJ noong madaling araw ng Hulyo 27, ilang oras bago idaos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, nakarekober din ang mga awtoridad ng isa pang bomba malapit sa Senado sa Diokno Boulevard sa kaparehong araw. Narekober sa lugar ang blasting cap, 9-volt battery at relo na gagamitin sana bilang timing device.

Bukod sa imbestigasyon ng Philippine National Police, nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa insidente.

(JULIET PACOT)

98

Related posts

Leave a Comment