BASURA NG CANADA, RECTO BANK ISSUE , MAGKAIBA — PANELO

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

HINDI dapat ikumpara ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa isyu ng basura ng Canada at insidente ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng Pinoy fishermen sa Recto Bank.

Ito ang reaksyon ng Malacanang sa harap ng mga banat ng mga kritiko ni Pangulong Duterte laban sa umano’y pagtiklop nito sa China habang hinamon naman nito ng giyera ang Canada.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, bilang isang abogado ay ibinabase lamang ng Pangulo ang kanyang mga aksyon sa totoong nangyari o factual basis.

Ayon kay Panelo, sinabi nito na sa kaso ng Canada, na-establish nang malinaw na may nailabag itong batas ng bansa nang ipadala sa Plipinas  at itambak ng anim na taon ang kanilang mga basura, pero sa kaso naman ng banggaan sa karagatan ng isang Chinese vessel at bangka ng mga mangingisdang Pinoy ay hindi pa malinaw ang buong pangyayari at kasalukuyan pa rin itong iniimbestigahan.

Iginiit ni Panelo na nag-iingat lamang si Pangulong Duterte sa pagtugon dahil pinangangalagaan din nito ang diplomatikong relasyon at ang kapakanan ng daan daang mga OFWs na nasa China.

154

Related posts

Leave a Comment