(NI DAHLIA S. ANIN)
NAGPAALALA ang Department of Transportation (DoTR) sa mga motorista na mag-focus sa kalsada tuwing nagmamaneho at hindi sa kasama.
Ito ang pahayag ng ahensya matapos mag-viral sa social media ang video ng magkasintahan na naglalambingan habang nasa sasakyan sa kalsada.
Ang video ay inI-upload sa Facebook page na Carbrazzer.tv noong Hunyo 21, at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit sa 700,000 views.
“Pasintabi lang po, Mam/Sir. Ayaw po namin maging KJ at makasira lambingan moments niyo. We understand that you love each other. PERO LOVE DIN PO NAMIN KAYO, AND WE WANT YOU TO BE SAFE,” ayon sa Transportation department
Idinagdag din ng DOTr na okay lang maglambingan basta nasa tamang lugar, pagkakataon at pamamaraan.
Kailangan umanong mag-focus ang driver sa kalsada at hindi sa katabi niya.
Nakalagay din sa post na “Minsan, mas okay na bumitaw sa nobya, wag lang sa manibela. No bitter feelings. Just pag-ibig.”
180