(NI AMIHAN SABILLO)
HINDI pa napapanahon para tanggalin ang martial law sa Mindanao, kahit pa inirekomenda na ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang umiiral na Martial Law doon.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Commander Lt Gen Felimon Santos, nagpapatuloy pa rin ang security assessment ng militar sa buong lungsod ng Davao at sa tamang panahon umano magdedesisyon ang AFP at mga local government executives sa Davao City para tuluyan nang alisin ang umiiral na martial law sa lungsod.
Subalit, kung oobserbahan umano ang peace and order situation sa Davao City ay mas maganda na ito ngayon dahil wala umanong nakapapasok na miyembro ng local terrorist group na Maute sa Davao City dahil sa mahigpit na ipinatutupad na seguridad.
Gayunman, kailangan umanong magtuluy-tuloy pa ang security assessment na ipinatutupad.
Matatandaang nagdeklara ng martial law sa buong Mindanao ang Pangulo matapos ang nangyaring Marawi siege noong 2017.
181