PROCESSED MEAT NG LAOS, NORTH KOREA BANNED SA ‘PINAS

swine flu12

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture na pansamantala munang ipatigil ang pag-angkat ng baboy at pork products mula Laos at North Korea upang protektahan ang bansa laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Sa dalawang memorandum na inilabas ng ahensya na pirmado ni Sec. Manny Piñol, nakasaad na hindi muna mag-aangkat ng domestic at wild pigs maging ang mga produkto nito.

Sinuspinde rin ang process of evaluation at ang pagbibigay ng Sanitary at Phytosanitary (SPS)  import clearance sa mga ito.

Ayon sa DA, kinumpirma ng dalawang bansa sa World Organization for Animal Health, na mayroon ng kaso African Swine Fever sa ilang parte ng kanilang bansa.

 

173

Related posts

Leave a Comment