(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI lahat ng 42.2 milyon manggagawa sa bansa ay makikinabang 14th month pay na isinusulong sa Senado subalit lahat ay magdurusa kapag nagtaas ng presyo ang mga negosyante sa pribadong sektor para mabawi ang dagdag na benepisyo sa mga empleyado.
Ito ang pananaw ng ekonomistang mambabatas na si Albay Rep. Joey Salceda kaugnay ng 14th Month Pay bill na inihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
“Nominally, 14th month pay is 7.6% increase for 24.8 million non-public sector labor. Employers pay 70% ang government loses 30%. This on top of tax loss from bonuses being tax exempt instead of regular wages,” ani Salceda.
Sakaling maging batas aniya ang panukalang ito, sigurado magtataas ng ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga employers para mabawi ang mawawala sa kanila.
“In that most likely scenario the gainers will be salaried employees and losers will be the unemployed 2.3 million people and non-wage workers of 16 million, which are mostly farm workers,” ani Salceda.
Maliban dito, tiyak din na ititigil din ng mga negosyante ang pagkuha ng mga karagdagang manggagawa dahil sa pagliit ng kanilang kita dahil sa dagdag na benepisyo sa kanilang ng empleyado.
Ang bansang nagbibigay umano ng 14th month pay sa buong mundo ay ang Brazil, Bolivia, Peru, Ecuador, Guatemala at Honduras na may problema sa kani-kanilang ekonomiya.
“The correct win-win policy should be link incentives like the 14th month pay to productivity, then everyone benefits—firms retain profits, employees get more, the economy becomes more productive which is the government goal, and the revenue loss is an investment to be recovered from economic expansion,” payo ni Salceda.
Sa ngayon ay tanging 13th month pay ang ibinibigay sa mga empleyado sa pribadong sector na nagsisilbing Christmas bonus ng mga ito mula sa kanilang mga employers.
144