HIGIT 14,000 PULIS IKAKALAT SA SONA

ncrpo66

(NI ROSE PULGAR)

AABOT sa 14,000 mga pulis ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa Batasan Complex upang magbigay ng seguridad sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ngayong Lunes ni NCRPO Director, P/Major Gen. Guillermo Eleazar na 12,000 sa bilang ang magmumula sa NCRPO at mga police districts habang nasa 2,000 pa ang magmumula sa ibang Regional Office at ibang units.

Daragdag pa rito ang nasa 1,000 force multipliers kaya abot ng 15,000 tauhan ang magbabantay para sa kaayusan ng SONA sa darating na Hulyo 22 araw ng Lunes.

Nakasentro sa Quezon City ang security plan kung saan nasa 9,000 tauhan ang itatalaga dahil sa inaasahang kaliwa’t kanan na mga demonstrasyon ng mga grupong anti at pro-Duterte.

Bago ang SONA, pupulungin muli ni Eleazar ang mga pinuno ng iba’t ibang grupo para makahingi ng kooperasyon sa limitasyon ng mga demonstrasyon at makuha ang pangako na magiging payapa ang demonstrasyon.

Wala pa umanong natatangap na ulat ng “security threat” ang NCRPO ngunit patuloy pa rin ang kanilang ebalwasyon.

 

308

Related posts

Leave a Comment