3RD TELCO APRUB NA KAY PDU30

dict22

(NI BETH JULIAN)

WALA nang hadlang para makapagsimula na sa operasyon ang third telecommunications company na Mislatel Consortium.

Ito ay matapos pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mislatel Consortium para makapagsimula ng kanilang commercial operations sa susunod na taon.

Pinagkalooban ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) o permit to operate ng Pangulo ang mga opisyal ng Mislatel sa pangunguna ni Mr. Dennis Uy, sa isang seremonya sa Malacanang Lunes ng gabi.

Pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission ang nasabing seremonya.

Matatandaan, ang pagpasok ng third telco ay isa sa campaign promise ni Duterte na naglalayong isulong ang makatotohanang kompetisyon sa telecoms industry at para mapaganda ang serbisyo sa telecommunications partikular ang paggamit sa internet.

Si Uy ang tumanggap ng CPCN sa ngalan ng Mislatel Consortium na naglagak ng P25.7 billion bilang performance bond.

Tatawaging “Dito Telecommunity Corporation” ang bagong TelCo .

Ayon naman kay DICT Secretary Gregorio Honasan, ang pagpasok ng third telco ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino mula sa dagdag na trabaho at bagong innovations sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Uy sa gobyerno at sa sambayanan dahil sa ipinakitang malakas na suporta sa kanila.

“We thank the government sector for working closely with us and the Filipinos for their enthusiastic support. The CPCN means a lot to us at Udenna. It is a clear signal that we are fully committed to providing world-class telecommunications in the country,” ang pahayag ni Uy.

393

Related posts

Leave a Comment