SENADO ‘FULL FORCE’ SA UMENTO NG MGA GURO

guro33

(NI NOEL ABUEL)

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga senador na nais ng bigyan ng mas malaking suweldo ang mga guro sa buong bansa.

Isa sa nadagdag si Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na inihain ang kanyang Basic Education Teachers Pay Increase Bill Act, na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga guro.

Aniya, sa pagbubukas ng 18th Congress, agad umano nitong isasalang ang pagtalakay sa nasabing panukala kung saan bilang majority floor leader ay mabibigyan nito ng sapat na oras ang pag-usisa sa mga panukalang may kaugnayan sa mga guro.

“This is a popular proposal and one of the long-delayed promises of many senators.

“As your Majority Floor Leader, I guarantee we will take it up as priority measure for the first few months of this Congress,” ani Zubiri.

“In answer to appeals from the public education sector, this bill proposes to raise the compensation of teaching and non-teaching personnel in the public sector by P10,000 per month to be paid in three tranches  as follows: First Year – P4,000.00 per month;                 Second Year – an additional P3,000.00 per month; and Third Year – another additional P3,000.00 per month,” paliwanag pa ng senador.

Sa kasalukuyang sitwasyon umano, ang mga  Teacher 1 position na nasa ilalim ng Salary Grade 11 ay tumatanggap ng P20,754.00 bilang monthly compensation habang ang entry level non-teaching personnel na nasa Salary Grade 1, ay tumatanggap sa P11,068.00.

“Masyadong maliit ang sahod nila kumpara sa laki ng responsibilidad nila sa mga mag-aaral. Apart from this salary increase, I also propose to provide medical allowance, magna carta bonus, and support in the form of additional allowances and remuneration,” sabi pa nito.

“The government should not only focus on improving school facilities,” he stressed. “We should also pay attention to the welfare of our teachers, who serve as the core of the education system,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa ito na maipapasa sa Senado ang lahat ng panukalang dagdag sahod ng mga guro dahil sa marami nang senador ang nagsusulong nito.

“We have already the commitment of many senators, including the new senators,” ayon pa kay Zubiri.

 

 

abueln

 

245

Related posts

Leave a Comment