Ngayong tag-ulan, samu’t saring mga sakit ang maaari nating makuha lalo na ang kilala nang sakit na leptospirosis.
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na maaaring makaapekto sa tao at hayop. Maaari itong maipasa sa pamamagitan kung ang ating balat o balat ng hayop ay bukas o may sugat ito, sa mata, o mucous membranes at nalagyan ito ng tubig o lupang mayroong ihi ng daga.
Common sa tropical areas ang leptospirosis at sinasabi ng World Health Organization na tala ay 10 o higit sa 100,000 tao ang namamatay kada taon.
Ngayong tag-ulan ay mas delikado ito sa atin dahil puwedeng ang ihi ng daga na may impeksyon ay masama sa baha sa iba’t ibang lugar.
Ang sakit na ito ay maaaring lumala patungo sa pagkakaroon ng Weil’s disease o meningitis na nakamamatay.
Ang mga hayop na maaaring magsalin ng naturang impeksyon ay tulad ng mga daga na mayroon talaga sa atin, at sa ibang bansa naman ay tulad din ng daga, skunks, opossums, foxes, at raccoons.
Ang pasyenteng tinamaan ng sakit ay makakaramdam ng sakit ng ulo, pangangatog, lagnat, pananakit ng kalamnan, paninilaw ng mga mata at balat (jaundice), pamumula ng mga mata, at pananakit ng sikmura.
Ang gamot sa sakit na ito ay prescribed antibiotics, tulad ng doxycycline o penicillin.
Depende kung saang organ nakaapekto ang leptospirosis, ang pasyente ay binibigyan ng ventilator upang matulungan silang makahinga.
Maaaring maapektuhan ng sakit na ito ang bato kaya kakailanganin ang dialysis.
Nagbibigay din ng intravenous fluids (dextrose) sa pasyente para sa hydration at essential gnutrients. Maaari ring magtagal ang pasyente sa ospital mula ilang linggo hanggang umabot ng ilang buwan. Depende kasi ito sa reaction ng katawan sa antibiotics at kung gaano nakasira ng organ ang leptospirosis sa pasyente.
Mas delikado rin ang sakit na ito kapag ang pasyente ay buntis dahil kawawa ang fetus kaya mas magtatagal ang nanay sa ospital para mas masuri ito.
7 ASO PATAY SA IHI NG DAGA SA AUSTRALIA
May kakaibang ulat mula sa Sydney, Australia hinggil pa rin sa ihi ng daga.
Pitong aso na ang namatay sa nasabing lugar mula sa isang sakit na maaaring pumatay sa mga alagang hayop sa loob lamang ng 48 oras.
Ang sakit ay naisasalin sa pamamagitan ng ihi ng daga at ito ay nagsimula sa New South Wales sa unang pagkakaton, at malamang ay sanhi ito ng konstruksyong ginagawa sa kanilang lugar kung kaya’t naglabasan ang mga daga.
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nagiging sanhi ng haemorrhages (pagdurugo), organ failure at pamamaga ng utak at maaaring makamatay sa mga aso at mga tao.
Bago ang taong ito, walang naiulat sa NSW na may namatay na aso mula sa naturang sakit. Sa nakalipas na tatlong taon may naitala nang pito.
Ang mga apektadong aso ay nakaranas ng panghihina o pagkapagod, kakaibang pananahimik at nagkakaroon ng haemorrhages sa balat, o dugo sa kanilang ihi.
Kinakailangang mabakunahan ang mga aso, payo ng mga doktor. Ayon pa sa kanila ang sakit ay maaaring mamuhay sa maiksing panahon sa moist environments.
LEPTOSPIROSIS
Fast Facts
* Ang leptospirosis ay isang bacterial disease na nakaaapekto sa mga tao at mga hayop sa buong mundo.
* Ang isang uri nito na spiral-shaped bacterium na tinatawag na spirochete, Leptospira interrogans, na nagiging sanhi ng leptospirosis.
* Ang high risk factors para sa sakit na ito ay may kaugnayan sa mga hayop at sa tubig at sa lupa na may kontaminasyon mula sa infected na ihi.
* Ang mga senyales at mga sintomas ng leptospirosis ay sadyang iba-iba mula sa walang sintomas at mayroon ding nonspecific symptoms tulad ng mataas na lagnat, pangangatog, pananakit ng ulo, at pananakit ng tiyan na pupuwedeng maging Weil’s disease (isang malalang uri ng leptospirosis) na may organ dysfunction.
* Ang pagsusuri sa leptospirosis na isinasagawa ay ang pag-isolate ng bacteria mula sa pasyente. Mayroon ding ginagawang blood tests.
* May mga antibiotics na epektibong panggamot ng leptospirosis.
* Karamihan sa mga taong naimpeksyon ng Leptospira interrogans bacteria ay nagkaroon ng good prognosis o maayos na pagsusuri; at kaunti ang mayroong guarded prognosis.
* Ang mga bakuna ay available para sa mga tao at mga hayop sa ibang mga bansa. Limitado lamang ang mga available vaccine dahil kadalasang napoprotektahan lamang ito laban sa isang single serovar. Ang Doxycycline (Vibramycin, Oracea, Adoxa, Atridox) ay ginagamit bilang short-term preventive treatment para maprotektahan ang ilang mga tao mula sa leptospirosis.
2272