VOTER’S CERT DAPAT LIBRE NA – GUANZON

guanzon44

(NI HARVEY PEREZ)

IPINANUKALA ng Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na ilibre na lamang sa publiko  ang pagbibigay ng voter’s certification sa mga registered voters na nangangailangan ng sertipikasyon.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, inirekomenda niya sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya at gawing libre ang pagbibigay ng naturang sertipikasyon sa mga botante.

Ayon kay Guanzon, maaarimg magamit ito ng mga mamamayan, partikular na ng mga kasambahay, bilang isang balidong identification card (ID) dahil makikita na rin dito ang kanilang larawan.
“I am proposing to @COMELEC  En Banc to pass a policy giving voter certifications for free,” anang commissioner, sa kanyang Twitter account.

Nalaman na inihain ni Guanzon ang panukala nang hindi  magustuhan ang ginagawang pagkuwestiyon ng ground crew ng isang airline sa mga kasambahay kung mayroon bang ID ang mga ito dahil napapahiya umano sila.

Sinabi ni  Guanzon, wala namang batas na nagsasabi na hindi ka maaaring sumakay ng eroplano ng walang government ID.

“I just hate it when household helpers ( kasambahay) are questioned by Philippine Airlines ground crew about their I.D.  It embarrasses them.  There is no law that says u can’t board a plane without a government ID, right?” dagdag pa ni Guanzon.

Itinigil umano ng Comelec noong  2012  ang pag-iisyu ng voter’s ID sa mga botante matapos ang panukalang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Sanhi nito, para patunayan na rehistradong botante ay kinakailangan munang kumuha ng voter’s certification mula sa Comelec office.

181

Related posts

Leave a Comment