TRAIN 2 ITUTULAK NI DU30 SA SUPERMAJORITY

DUTERTE66

(NI BETH JULIAN)

ITUTULAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa supermajority sa Kongreso ang Tax Reform Acceleration and Inclusion Tranche 2 (TRAIN 2).

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na ang pondong makokolekta ng gobyerno ang kukumpleto sa mga nakalinyang infrastructure projects sa ilalim ng Buld,Build,Build program ng pamahalaan.

Ayon kay Andanar, ilan sa mga proyektong infrastructure ay matatapos ngayong taon.

Mayroon ding naka-schedule na tapusin sa susunod na taon at maging sa huling taon ng administrasyong Duterte.

Sakop na rin na itutulak ng Pangulo ang death penalty na isa sa panukalang batas na nakahain na sa Senado.

Pasok sa death penalty bill na nakahain sa Senado ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na sangkot sa katiwalian o korapsyon.

“It’s a must ang TRAIN 2 lalo’t kailangang may paghugutan ang gobyerno sa gugugulin nito sa mga infrastructure projects,” ayon kay Andanar.

Sinabi ni Andanar na isa ito sa prayoridad ng Pangulo na maisulong sa panahon ng 18th Congress kasama na ang Land Use Act na matagal na ring nais maipasa.

137

Related posts

Leave a Comment