Nagpapapawis na’t lahat wala pa ring nangyayari. Lahat na yata ng workout ay ginawa na pero parang hindi nababawasan ang timbang o kung mabawasan man ay parang hindi nahahalata. Bakit kaya?
Ang siste kasi sa mga nag-e-exercise ay marami sa kanila ang matapos ang kanilang aktibidad ay kumakain din sila agad – at hindi basta kain kundi mas marami ang kanilang kinakain. Iniisip kasi nila na dahil nakapagpapawis na sila ay na-burn na ang fats na kailangan nilang i-burn.
Tandaan natin na ang pag-burn ng lahat ng fats ay hindi naman nangyayari overnight. Kung matapos agad ang exercise at susundan agad ito ng walang disiplinang dami at uri ng kakai-nin ay wala talagang mangyayari. Ito ay dahil mas mabilis ang pagpasok ng bagong fats dahil sa mga kinakain matapos ang exercise kumpara sa pagtunaw nito tuwing nag-eehersisyo.
Kaya mahalaga talagang may solido tayong determinasyon sa pagbababawas ng timbang at hindi masabi lang na nag-eehersisyo.
Kung hindi ka naman sigurado sa mga dapat mong kainin ay makakatulong ang manghingi ng payo mula sa experts para may patunguhan talaga ang pag-eehersisyo mo.
