LENI SADSAD SA SWS SURVEY

leni55

(NI ABBY MENDOZA)

BUMABA sa +28 mula sa +42 ang net satisfaction rating ni Leni Robredo habang nakakuha naman ng “very good” si Senate President Vicente Sotto lll, batay sa inilabas na survey nitong Hunyo ng Social Weather Station(SWS).

Ayon sa SWS mula good ay moderate na lamang ang score ni Robredo at ang pagbaba umano ng net satisfaction ni Robredo ay halos sa buong bansa maliban lamang sa Metro Manila.

“The 14-point decline in the overall net satisfaction rating of Vice President Robredo was due to decreases of 21 points in the Visayas, 18 points in Mindanao, and 13 points in Balance Luzon, combined with a steady net rating in Metro Manila,” ayon sa SWS.

Samantala si dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay nagkaroon ng -20 net satisfaction rating mula sa -17 noong Marso 2019 survey.

Bahagya lamang ang ibinaba ng satisfaction rating ni Sotto, mula sa +61 noong Marso 2019 ay naging +60 nitong June survey.

Very good din ang tingin ng publiko sa Senado na may +63 rating na tumaas ng 1 puntos mula +62 habang +48 naman ang natanggap ng House of Representatives.

Ang June survey na ipinalabas ng SWS ay ginamitan ng  face-to-face interviews sa may  1,200 Pinoy na isinagawa sa pagitan ng June 22 hanggang  26  kung saan si Arroyo pa ang House Speaker.

 

121

Related posts

Leave a Comment