(NI CHRISTIAN DALE)
NAKATAKDANG bisitahin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Batanes matapos ang lindol sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kaagad na ipinag-utos ng Chief Executive ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng pagyanig.
“Our PAF [Philippine Air Force] C295 already took off for Batanes at 9:18 a.m. bringing medical and rescue teams. We are planning for next sortie in coordination with Region 2 OCD (Office of Civil Defense),” ayon kay ES Medialdea.
Sinasabing pasado alas-4:00 ng umaga kahapon nang yanigin ng magnitude 6.4 lindol ang lalawigan partikular na ang bayan ng Itbayat.
Makaraan ang ilang oras ay isang magnitude 5.9 na lindol na naman ang naramdaman sa halos ay kaparehas rin na mga lugar.
Ayon sa Phivolcs, asahan ang mga serye ng aftershocks pero pinawi naman nila ang posibilidad ng pagkakatoon ng tsunami sa lugar.
Ang nangyaring lindol sa Batanes ay halos kasabay ng isinagawang earthquake drill sa Metro Manila kanilang madaling-araw bilang paghahanda pa rin sa “The Big One”.