(NI JEAN MALANUM)
MAGIGING “hands on” si Cong. Abraham “Bambol” Tolentino sa pagpapatakbo ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ang siniguro ni Tolentino na magsisilbing POC president hanggang Nobyembre 2020.
“I will be hands on when it comes to running the POC,” ani Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila kahapon.
Ang unang aktibidad ng POC pagkatapos ng halalan ay ang Executive Board meeting sa Biyernes. Kasama sa agenda ang secretary general at mga chairperson ng iba’t ibang committees na pipiliin ni Tolentino.
Ayon kay Tolentino, marami siyang plano sa POC ngunit ang priority sa ngayon ay ang preparasyon sa 30th SEA Games.
“We will focus on the SEA Games because we only have four months left before tournament begins. We are also preparing our athletes so they can qualify for the 2020 Tokyo Olympics,” sabi ni Tolentino na presidente rin ng PhilCycling.
Nakatakda ring pumunta sa Qatar si Tolentino para sa Association of National Olympic Committees (NOC) meeting sa susunod na buwan.
Tinalo ni Tolentino si Philip Ella Juico ng athletics sa pagkapangulo, samantalang nagwagi si Steve Hontiveros ng handball kontra Robert Aventajado ng taekwondo sa posisyon na chairman sa POC election na ginawa sa Century Park Hotel noong Linggo.
Kasamang nahalal nina Tolentino at Hontiveros sina Jesus Clint Aranas ng archery at Cynthia Carrion ng gymnastics bilang board members.
146