PAG-APRUBA SA CHINESE PROJECTS BUSISIING MABUTI — MAGDALO

(NI ABBY MENDOZA)

NANAWAGAN si Magdalo Party-list Rep Manuel Cabochan sa Duterte administration na maging maingat sa pag-apruba sa mga proyekto ng Chinese firms na nagko-convert sa mga isla ng bansa bilang tourist destinations.

Sinabi ni Magdalo Partylist Rep. Manuel Cabochan na kung hindi mag-iingat ang pamahalaan, payagan ang mga proyekto  at  hindi mabantayan ay maaaring malagay sa alanganin ang pambansang seguridad.

Ang reaksyon ng Magdalo ay kasunud na rin ng iniulat ng Philippine Navy ang planong pag-develop ng China sa tatlong strategic islands partikular ang Fuga, Chiquita at Grande Islands.

Giit ni Cabochan na dapat kunsultahin muna ang militar at mga security agencies bago pahintulutan ang mga Chinese na mag-develop ng isla.

Aniya, kaduda-duda ang motibo ng China at hindi tiyak kung turismo nga ba ang pakay nito sa paggawa ng mga proyekto.

Dagdag pa ni Cabochan na  napatunayan na rin na nagsamantala ang China sa  ang pagtatayo ng strategic maritime security sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea kaya dapat na maging maingat.

“Dapat umano ay matuto na ang pamahalaan na kung ano ang sinasabi ng China sa publiko ay kabaligtaran ng ginagawa nito kaya kung papayagan ang mga aktibidad ay mahuhulog lamang sa bitag ang bansa”pagtatapos pa ni Cabochan.

 

 

161

Related posts

Leave a Comment