DTI NAGPAALAALA SA MGA MAMIMILI SA ‘NO RETURN NO EXCHANGE POLICY’

NO REFUND

(Ni FRANCIS ATALIA)

NAGPAALAALA ang Department of Trade and Industry (DTI) na may karapatan ang isang mamimili na magsauli ng produkto kung natuklasan niya na depektibo ito matapos na bilhin.

Ang paalaala ay ginawa ng DTI, ilang araw bago ang Kapaskuhan, dahil dagsa ang mga mamimili sa mga mall at palengke.

Ang proteksyon sa consumers ay ayon sa Republic Act 7394 o “Consumer Act of the Philippines”.

Subalit nilinaw ni DTI Mediation Division chief Perpetua Werlina Lim, na ang ‘No Return No Exchange Policy’ ay maaaring igiit ng mga retailer o may-ari kung mapatutunayan nilang “change of mind” o nagbago lang ang isip ng kostumer.

Ayon pa sa opisyal ng DTI, bago bilhin o bayaran ang produkto ay kilatinsin munang maigi ang binibili upang maiwasan ang abala.

478

Related posts

Leave a Comment