(NI AMIHAN SABILLO)
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na pulido ang magiging takbo ng seguridad ni Senadora Leila De Lima sa mula pag-alis hanggang pagbalik nito sa custodial center sa Camp Crame.
Ayon kay PBGen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, masusing pinaghandaan ang security plan sa pagbisita ng senador sa inang may sakit sa Iriga City, Camarines Sur.
Nagbigay katiyakan ang PNP sa seguridad ni Senador Leila De Lima sa kanyang pagbisita sa maysakit niyang ina sa Iriga City, Camarines Sur.
Hindi naman na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang PNP for security reasons, ngunit ang schedule na nakuha ay Flight ng senador, Huwebes ng dakong alas-4:30 ng madaling araw mula NAIA papuntang Legaspi City, Albay
Ang senadora ay pinayagan ng tatlong Korte sa Muntinlupa na makalabas ng bilangguan at mabisita ang kaniyang 86 na taong gulang na ina na si Aling Norma na naka confine sa isang ospital sa Iriga City.
Simula kahapon hanggang ngayong araw August 16, na kailangang makabalik sa Camp Crame.
130