(Ni FRANCIS ATALIA)
NAGLABAS ng paalaala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko upang makaiwas sa pagkakaroon ng pekeng perang papel ngayong holiday season.
Posibleng umanong samantalahin ng mga masasamang-loob ang pagiging abala ng mamimili o tindera upang ilusot ang pekeng pera dahil sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.
Kaya upang hindi maloko at hindi magamit o maipamigay ang pekeng pera, naglabas ng gabay ang BSP kung paano susurin ang mga banknotes upang makatiyak na genuine ito.
Para sa ibang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa Metro Manila Currency Operations Sub-sector sa teleponong (02) 988-4822 o kaya sa pisomatters@bsp.gov.ph; at maaari ring bisitahin ang BSP website’s section on BSP Notes and Coins.
226