KINUKONDENA NG BAYAN MUNA ANG PAG-ARESTO SA MGA MANGGAGAWA NG PEPMACO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Noong Martes, August 20, ay inaresto ng kapulisan ang mga manggagawa na nagpipiket sa harap ng Canlubang plant ng Peerless Manufacturing Corporation (Pepmaco), ang kompanyang gumagawa ng sikat na sabon na Champion. Nasa dalawampung manggagawa ang naiulat na dinakip ng kapulisan nang walang dahilan. Bukod sa pag-aresto ng mga manggagawa, sinira rin ang mga tent ng mga nagpipiket.

Mariing kinukondena ng Bayan Muna ang panibagong karahasang ginawa sa mga nagwewelgang manggagawa ng Pepmaco. Sa halip na tugunan ang kontraktwalisasyon at hindi ligtas na sistema ng paggawa, ay paglalapastangan pa sa kanilang karapatan ang ginagawa ng kapulisan.

Nagpiket ang mga manggagawa ng Pepmaco mula pa noong June 24, 2019, dahil sila ay ilegal na tinanggal sa tra-baho matapos nilang hilingin ang regularisasyon, dag­dag-sahod, at ligtas na kondisyon sa paggawa. Nasa 200 na manggagawa na ang tinanggal ng Pepmaco mula Enero ngayong taon, na tinawag ng mga manggagawa na union-busting. Ayon sa kanila, labor-only contracting ang ginagawa ng kompanya sa kanila, na ipinagbabawal ng batas. Bukod pa rito, lumabag din ang Pepmaco sa occupational health and safety standards at napakahaba ng oras ng trabaho. Ito ay iniulat ng Department of Labor and Employment Inspector noon pang Set­yembre 7, 2018, ngunit hindi na muling nagkaroon ng inspeksyon ang regional office ng departamento.

Hindi na ito ang unang kaso ng karahasan sa mga manggagawa ng Pepmaco. Noong June 28, 2019, ang mga gu-wardiya at goons ng Pepmaco ay sinalakay ang mga manggagawa at binuwag ang kanilang piketlayn. Kahit naroon ang mga pulis ay wala silang ginawa. Ga­nito rin ang kanilang ginawa noong Martes, pinanood lamang nilang sak-tan at bombahin ng tubig ng goons at guwardiya ng Pepmaco ang mga manggagawa, at ina­resto pa sila pagkata-pos.

Tatlong resolusyon ang inihain sa Kamara ng Makabayan bloc upang imbestigahan ang mga paglabag sa labor standards ng Pepmaco, gayundin ang mga karahasang ginawa ng goons, guwardiya, at pulis sa mga nagwewelgang manggagawa. (Kakampi Mo ang Bayan /  TEDDY CASIÑO)

149

Related posts

Leave a Comment