14TH OFW AND FAMILY SUMMIT IDINAOS

MAHIGIT 3,000 OFW at kanilang mga pamilya ang nakiisa sa 14th OFW and Family Summit na ginanap sa The Tent, Las Piñas City, nitong Biyernes, Nobyembre 14, 2025.

Dumalo at nakibahagi ang pamilya Villar – dating Senate President Manny Villar, dating Senator Cynthia Villar, at Senators Mark at Camille Villar – kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong kumpanya upang magbigay-pugay sa mga OFW ng bansa.

Sa pangunguna ng Villar Foundation, layon ng taunang summit na magbigay ng kaalaman sa pagnenegosyo, pati na rin mga praktikal na payo upang matulungan ang mga OFW na mapagtagumpayan ang mga hamon na kanilang kinahaharap bilang mga bagong bayani ng bansa.

(Danny Bacolod)

62

Related posts

Leave a Comment