FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST NAGHATID NG AGARANG TULONG SA LIBONG PAMILYA NA NASALANTA SA MANGATAREM

Mangatarem, PANGASINAN — Naglunsad ang FPJ Panday Bayanihan Party-list ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan sa bayan ng Mangatarem, kung saan umabot sa 28 barangay at 1,712 pamilya ang tinamaan ng pinsala nitong linggo.

Ginanap ang distribusyon nitong Huwebes, 13 Nobyembre 2025, sa Brgy. Dorongan Punta Covered Court. Mahigit 300 residente mula sa mga barangay ng Dorongan Punta, Dorongan Valerio, at Dorongan Ketaket ang personal na tumanggap ng tulong mula sa FPJ Panday Bayanihan sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabuuang 1,712 Family Food Packs mula sa DSWD ang inilaan para sa lahat ng apektadong pamilya. Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office, ang natitirang 1,412 food packs para sa iba pang 25 barangay ay kukunin ng kanilang mga opisyal sa MSWD Warehouse sa Brgy. Calvo.

Sinabi ni FPJ Panday Bayanihan Representative Brian Poe na patuloy ang kanilang grupo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa gitna ng patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha. Dagdag niya, ang layunin ng kanilang party-list ay tiyaking walang pamilyang napag-iiwanan sa panahon ng sakuna—tulad ng adhikain nitong Food, Progress, Justice para sa lahat.

64

Related posts

Leave a Comment