(NI HARVEY PEREZ)
SINAMPAHAN ng kasong P168 milyon tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang misis ni Kapa Community Ministry International founder Joel Apolinario.
Sa reklamo ng BIR, nabigo umano si Reyna Apolinario, Kapa corporate secretary na magbayad ng tamang income tax na P163.9 milyon noong 2017 at P4.3 milyon noong 2018.
Nabatid din sa BIR na hindi nakapaghain ng income tax returns (ITR) mula noong 2013-2015 si Reyna o nagsumite ng ITR noong 2017 at 2018, kung saan nagbayad ng P172,100 noong 2017 at P12 milyon noong 2018
Ibinulgar din ng NBI na sa 2018 financial statement ni Reyna na hindi nito idineklara ang kanyang source of income na nagkakahalaga ng P307 milyon noong 2017.
Nalaman din na nagmamay-ari si Reyna ng siyam na sasakyan na hindi nakadeklara sa kanyang financial statements.
Lumabas din sa records na nagmamay-ari si Reyna ng 13 business enterprises kabilang na ang hotel, gasoline stations, convenience stores, computer shops, quarry, convention center, restaurant, fishing boat, media at marketing network.
Una nang inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ na makasuhan sa korte ang Kapa officers ng limang counts ng violation of Sections 8 and 26 in relation to 73 of the Securities and Regulations Code (SRC), at 8 counts ng Syndicated Estafa as sa ilalim ng ng P.D. (Presidential Decree) 1689.”
“The modus/scheme of KAPA is basically solicitation of money/investment from the public in the guise of ‘donation’ with a promise of perpetual monthly interest equivalent to 30% return/interest in the guise of ‘blessings’,” ayon sa reklamo ng NBI.
Nalaman na kinasuhan din ang Kapa executives ng Securities and Exchange Commission(SEC) dahil sa paglabag sa Section 26 ng Securities Regulation Code na nagbabawal sa Ponzi scheme, investment program na nag-aalok ng malaking returns at pagbabayad sa mga investors ng mga nai-contribute ng ibang investors.
314