(NI HARVEY PEREZ)
IPINAPIPIGIL ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon ng apat na Chinese convict sa kasong drug na pinalaya sa New Bilibid Prison(NBP) dahil sa Good Conduct Time Allowance .
Ayon kay Guevarra, mananatiling naka hold ang apat na Chinese hanggang makumpleto ng joint committee, ang 10 araw na gagawing pagrebisa sa rules at guidelines ng Republic Act No. 10592, ang batas na nag-amyenda sa probisyon ng Revised Penal Code sa time allowances and credit para sa preventive imprisonment.
Kaugnay nito, kinumpirma ni BI deputy spokesman Melvin Mabulac na pinigil ang implementasyon ng deportation order laban kina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che at Wu Hing Sum.
“Deportation unit was already directed to hold the implementation of the deportation order,” ayon kay Mabulac.
Nabatid na ang apat na chinese ay nakadetine sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kung saan nakalaya sila sa NBP noong Hunyo dahil sa GCTA.
Una nang sinabi ng Bureau of Corrections(BuCor) na umabot na sa 1,914 convict na nakulong dahil sa heinous crime ang napalaya dahil sa GCTA.
132