2 US FUGITIVES, IDE-DEPORT NA

DEPORT

(Ni FRANCIS SORIANO)

Anumang araw ngayon buwan ay ide-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang US fugitives na Wanted sa Fraud, Money Laundering at sankot sa large-scale fraud cases ng federal authorities na isinampa sa Texas.

Kinilala ni BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, ang dalawang fugitives na sina  Robert Wayne Boling Jr., 38 at Allan Albert Velarde Kerr, 30.

Ayon Mabulac, ang dalawang suspek ay maituturing din undesirable aliens dahil mga undocumented.

“They will be sent home to face trial for the crimes they allegedly committed.  Also, their continued presence here poses a risk to public safety and security,” ani Mabulac.

Matatandaan na inaresto ng mga operatiba ng BI Intelligence at Fugitive Search Unit (FSU) sa pangunguna ni Chief Bobby Raquepo sina Boling at Kerr sa lungsod ng Angeles at Mabalacat, Pam-panga sa bisa ng arrest warrants na inisyu ng US district court saWestern Texas last July 23 taong kasalukuyang.

Lumabas din sa imbestigasyon na bago ang kanilang pagkakaaresto ay overstayed na ang mga ito sa bansa.

“According to the US embassy, the two are among the suspects who fraudulently gained access to various US Department of Defense (DOD) network systems and huge caches of documents which enabled them to acquire Personally Identifiable Information (PII) of thousands of US military servicemen,”  wika ni Raquepo.

139

Related posts

Leave a Comment