DISMISSAL NG ATENEO STUDENT PWEDENG MAGING EXPULSION – SEC. BRIONES

SEC BRIONES-1

PUWEDENG umakyat sa expulsion ang dismissal decision ng pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa estudyante na nam-bully.

Ito ang obserbasyon ni Education Sec. Leonor Briones sa kaso ng junior high school student na nakunan ng video habang nananakit ng kanyang mga kapwa estiudyante.

Ayon sa kalihim, kung kinakailangan pwede nilang isalang sa review ang desisyon ng Ateneo sa reklamo. Kadalasan kasing nagkakasundo umano ang magkabilang partido kapag naglabas na ng desisyon ang isang paaralan lalo na sa mga kaso ng pambu-bully.

Nilinaw rin niya na kapag dismissal ang hatol ay pwedeng lumipat lamang sa ibang paaralan. Subalit, kung expulsion ay hindi na pwedeng tanggapin kahit saang pribado o pampublikong paaralan sa bansa base sa bigat ng kanilang ginawang kasalanan.

390

Related posts

Leave a Comment