BOC-KALIBO BANTAY-SARADO VS. ASF CONTAMINATED MEAT   

BOC-KALIBO.jpg

(Ni BOY ANACTA)

Patuloy ang paghihigpit ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport  (BOC-KIA) laban sa posi-bilidad na pagpasok ng mga karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) sa nasabing paliparan.

Dahil dito, kumilos na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa nasabing lalawigan para mapigilan ang pagpasok ng ASF.

Nitong nakaraang Agosto 27, ay nagkaroon ng pagpupulong ang ASF Prevention and Control Task Force of the Province sa pamumuno ni Aklan Gov. Florencio Miraflores.

Ang nasabing task force ay binubuo ng mga opisyales at kinatawan mula sa  BOC-Kalibo International Airport, Veterinary Quarantine Service-VI-BAI, Aklan Provincial Office, Kalibo LGUs, Philippine National Police, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of Agriculture-RFO-6, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Food and Drug Administration, Department of Trade and Industry, Agricultural Training Institute, at iba pa.

Layunin ng pinagsanib na pwersa ng task force na  mapigilan ang pagpasok ng mga karne at mga produkto nito na kontaminado ng ASF.

Matatandaan na noong nakaraang Mayo 4, 2019  nasabat  ang isang shipment ng meat products mula sa China na umano’y pinaniniwalaang kontaminado ng ASF  at ito’y sinunog na ng Subic Bay Metropoli-tan Authority (SBMA).

Sa pahayag ni SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, sinabi nitong ang nasabing kontrabando ay nagkakahalaga ng P600-K na idineklara bilang 2,385 packages ng ‘food items’.

“It was immediately flagged by the quarantine officer from the Department of Agriculture, and the Bureau of Customs confiscated the shipment,” ayon kay Eisma.

Napag-alaman din mula kay Jerome Martinez, manager ng SBMA Seaport Department, na may mga produkto rin ng karne na nagmula umano sa Guangzhou, China na isinakay sa refrigerated van na nakakarga sa MV Hansa Altenburg ang dumaong noong Mayo 27, 2019 na nakumpiska ng gobyerno.

Magugunitang, natukoy na ang mga  bansa na umano’y apektado ng ASF  at ito’y kinabibilangan ng China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Re-public, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Samantala, sa kabila ng paghihigpit ng BOC sa mga border ng bansa laban sa pagpasok ng ASF ay naka-pagtala na ang Malolos City at Guiguinto, Bulacan ng 196 baboy na namatay  na pinaniniwalaang dina-puan ng sakit na ASF ang ikinamatay.

Dahil na rin dito, nanawagan ang ilang residente sa lugar  na kumilos na ang Department of Agriculture (DA) sa umano’y  napaulat na pagkamatay ng naturang mga baboy.

132

Related posts

Leave a Comment