IMPORTED RICE, P27 PER KILO NASA MERKADO–DA

bigas21

(NI ABBY MENDOZA)

INAASAHAN ng Department of Agriculture (DA) na bababa pa ang presyo ng commercial rice sa merkado kasunod ng pagbaha ng NFA imported rice.

Ngayong Biyernes ay pinangunahan ni Agriculture Secretary Willam Dar ang pagbaba ng mga NFA imported rice sa Commonwealth market.

Aniya, may  3.6 million sako ng bigas ang ikakalat sa buong bansa na ibebenta sa mga retailers sa P25 kada kilo habang mabibili naman ng mga consumers sa halagang P27.

Sa kasalukuyan, ang pinakamababang presyo ng commercial rice sa merkado ay nasa P32 habang ang pinakamahal ay P48, subalit umaasa si Dar na bababa pa ito dahil mas magiging available na ang NFA na bigas.

“We will see to it that prices will drop and this is the start where people can buy quality rice at the level of P27. With more P27 rice from the NFA, it will impact the price in the market,”paliwanag ni Dar.

Samantala, inaalam na ng DA ang mga traders na nagmamanipula ng presyo ng bigas sa merkado.

Ani Dar, mayroon na silang hawak na listahan ng mga posibleng hoarders at kanila na itong iniimbestigahan.

“Maraming imports pero ‘di pa masyadong naramdaman ang pagbaba. Inaaral namin kung sino ‘yung potential na nagmamanipula,” pahayag ni Dar.

Tumanggi pa si Dar na tukuyin ang mga posibleng price at supply manipulator maliban sa pagsasabing nakikipagkoordina na umano sila sa anti-rice smuggling taskforce ng Department of Trade and Industry (DTI) para maaksyunan ito.

 

 

193

Related posts

Leave a Comment