(NI HARVEY PEREZ)
NANAWAGAN si Communications Secretary Martin Andanar sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang malalang problema sa trapiko.
Ayon kay Andanar dapat lamang na mabigyan ng emergency powers si Duterte dahil sa paniniwalang ito lamang ang tanging paraan para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
“Hindi ho dapat ito maging—iyong tinatawag natin na linear approach, iyong tipong you solve the traffic from A to B, A to D… bale—hindi ho dapat ganoon. Dapat po ay systemic, wherein it should be solved in terms of groups, na kapag sinolve mo iyong A, sinolve mo iyong B, dapat i-solve mo rin iyong C, D, E, F, G… hanggang umabot sa Z at bumalik sa A,” ayon kay Andanar.
Nabatid na sa kabila na may mga ginagawang solusyon ang gobyerno na ilang road project na para tugunan ang problema sa trapik, kinakailangan pa rin na maghanap pa ng ibang solusyon si Duterte.
“For example, ibang paraan: itong mga subdivision, iyong ating mga big developers dito po sa Metro Manila, kailangan ho ay mapagbigyan iyong riding public o iyong motorists na kahit papaano ay makadaan doon,” ayon kay Andanar.
“Dito po sa Las Piñas mayroon pong tinatawag na friendship routes, iyon mga subdivision ho ay nakakapasok po doon iyung mga motorista to cut through the traffic para makaiwas po dito sa Zapote-Alabang road at sa iba pang mga main thoroughfares dahil napaka-traffic nga. Dito sa Makati halimbawa all the way to QC, ay napakaraming mga private subdivisions, isa ho iyan sa mga nakikitang solusyon,” dagdag pa ni Andanar.
147