DOLE KAILANGAN NG TAUHAN VS POGOs

(NI KIKO CUETO)

INAMIN ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kulang ang kanilang tauhan para habulin ang mga dayuhang manggagawa na sinasabing sangkot sa illegal offshore gaming tulad ng Philippine offshore gaming operators (POGO).

“Right now, we only have 710 inspectors and we recently were given additional 500 labor law compliance officers,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam sa ABS-CBN News Channel o ANC.

Sinabi ni Bello na bukod sa pag-iinspeksyon sa POGOs, ang mga labor inspectors ay kailangan din na mag-monitor ng mga compliance ng 900 business establishments sa buong bansa.

Sa ilalim ng mga labor laws, ipinagbabawal ang mga dayuhan na magtrabaho sa bansa na kaya namang gawin ng mga Pinoy, tulad ng construction.

Sinabi ni Bello na nag-request na sila ng dagdag na mga inspector para matimbog ang mga iligal na POGO.

Inatasan naman ng Department of Finance ang Bureau of Internal Revenue na ipasara ang mga POGOs at service providers na hindi magbabayad ng tamang buwis.

 

173

Related posts

Leave a Comment