EDUKASYON NG KATUTUBO TINIYAK NG DEPED

deped65

(NI MAC CABREROS)

“It’s the first time that a Secretary of Education visited this village!”

Inihayag ito ni Talaingod (Davao Del Norte) Mayor Jonnie Libayao nang bumisita si Education Secretary Leonor Briones para personal na tignan ang kalagayan ng edukasyon ng mga Indigenous People sa lugar.

Nagkasundo sina Briones at Libayao na magtayo ng gusali para sa pag-aaral ng mga IP mula Kinder hanggang HS. Makikipag-ugnayan naman ang alkalde sa CHEd para sa college education ng mga katutubo.

“Talaingod was the IP area I failed to visit many years ago due to [reported] security concerns. But now I have proven that this town is peaceful. No less than the Constitution guarantees the right to quality education for all. What we want is for the law to be applied in Talaingod, for every learner in the entire Philippines,” pahayag Briones.

“Kailangan dalhin pa rin natin ang ating identity. Hindi ninyo dapat ikahiya ang inyong tribu, kwento, awit at pinanggalingan. Ang ating kultura, ang ating dialect ay ating alagaan at patuloy na gamitin,” dagdag Briones at binanggit na bukas ang pampublikong paaralan sa mga katutubong mag-aaral gaya ng Salugpongan learning center na pinasara dahil hindi ito nakatutugon sa patakaran at pamantayan.

188

Related posts

Leave a Comment