DU30: KOTONGERO SA GOBYERNO PALAGAN

money123

(NI CHRISTIAN DALE)

NANAWAGAN at tinuruan na rin Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Pilipino na matutong pumalag sa mga kotongero para mawala na ang korapsyon sa pamahalaan.

Sa ganitong paraan aniya ay maaaring matulungan ang bawat isa sa gitna ng nagpapatuloy na laban ng administrasyon kontra korapsyon.

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasa mga Pilipino rin ang rason kung bakit marami pa ring korapsyon sa pamahalaan.

Ayon sa Chief Executive, kulang sa assertion o hindi marunong pumalag ang mga Pinoy sa mga pagkakataong binibiktima na sila ng mga kotongero sa gobyerno.

Sabi ng Pangulo, madaling bumigay sa panghihingi ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan ang mga Pilipino dahil sa dalawang bagay.

Ang dahilan ay ayaw ma-deny sa ginagawa nilang transaksiyon at ang isa nama’y ayaw ng delay sa inaayos o nilalakad na papeles sa isang sangay ng pamahalaan.

“The only reason why there is a lot of corruption in the Philippines is because we are not assertive. And Filipinos if they are asked money by those in government, they easily give because, one, they are afraid of being denied or delayed. You know the first thing that you should — in government, I am now directing myself to the government, and I will say it for the last time. I said it before during the first days of my presidency,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

115

Related posts

Leave a Comment