120 GAMOT TATAPYASAN NG PRESYO

gamot

(NI DAHLIA S. ANIN)

SA ilalim ng maximum drug retail price, balak ng Department of Health (DoH) na bawasan ang presyo ng 120 na klase ng gamot.

Sa panayam, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang mataas na presyo ng gamot.

Sa inilabas na listahan, kasama sa 120 gamot ng DOH ang sa diabetes, sakit sa puso, hypertension, chronic lung disease, chronic renal disease, cancer, psoriasis at rheumatoid arthritis.

Ayon pa kay Domingo, ang mga gamot na ito ay dapat tapyasan ang presyo upang maging maayos ang kalusugan ng mas nakararaming Pilipino.

Sinabi rin ni Domingo na kahit na bumaba na ang presyo ng mga gamot ay hindi naman nila hahayaang malugi ang nga pharmaceutical company.

Aabot sa 56%ang price reduction sa halaga ng mga gamot.

Pero ayon naman kay Dr. John Wong, ang 120 na piling gamot ay na maaring mabababaan ang presyo ay base sa average prices sa SouthEast Asian Countaries.

Nais siguraduhin ng ahensya na  magaging abot kaya na ang presyo ng mga gamot kasabay ng pangako na magiging patas sila sa kumpanya.

238

Related posts

Leave a Comment