(NI JESSE KABEL)
TATLONG Filipino overseas workers ang napabilang sa mahigit 10 katao na nasaktan nang mag-collapse ang isang tulay sa Taiwan.
Ayon sa ulat na nakalap ng labor department mula sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) nitong Martes, tatlong Pinoy ang nasugatan matapos bumagsak ang tulay sa isang pantalan sa Northern Taiwan. Kasalukuyang inaaalam ng POEA at OWWA ang pagkakakilanlan ng mga nasaktang Pinoy sa insidente .
Ayon sa Central News Agency ng Taiwan, may siyam katao ang nahulog sa tubig at pito ang na-rescue.
Sinasabing may mga fishing boat ang nabagsakan nang bumigay ang tulay at pinangangambahang may mga tripulante ang na trap.
Ayon kay Gerry de Belen, Meco Director at information officer, pinakilos agad ng pamahalaan ang mga nakatalagang welfare officers para alamin ang kalagayan ng mga biktima at kung may iba pang Filipino na nasaktan sa insidente.
“From what I experienced here, in my limited stay, this was [the] first time that such a big infrastructure was reported to have collapsed,” pahayag ni De Belen sa isang panayam.
157