TRANSPORT CRISIS MAY SOLUSYON

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KUMBINSIDO sina Senador Richard Gordon at Senador Win Gatchalian na may transport at traffic crisis sa bansa.

Kasunod ito ng pagtugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa ‘challenge’ sa kanya na mag-commute makaraang sabihing wala namang transportation crisis sa bansa.

“Alam mo ‘no win situation’ ang ginawa ni Sal (Panelo). Alam naman nya na may transportation crisis, kahit sumakay sya, talo pa rin siya. Ang nangyayari tuloy parang pinaglalaruan sya,” saad ni Gordon.

“Meron tayong crisis in both transportation and traffic. Kapag tatanungin ako kung ano malala is really the traffic crisis kasi makikita natin na talagang malala ang trapik sa atin kahit anong oras, walang pinipiling oras o lugar. Almost P3 billion ang nawawala sa atin kada araw, meron talaga tayong traffic crisis kasi meron tayo transport crisis and transport problem,” giit ni Gatchalian.

Mistulang kinontra naman nina Gordon at Gatchalian ang naging pahayag ni Senador Bong Go na wala nang solusyun sa trapik kundi si Superman.

Sinabi ng dalawang senador na maraming solusyon na maaaring gawin subalit hindi pa rin sinusubukan ng mga awtoridad.

“Problema talaga law and order,” saad ni Gordon. “Pwede tayong maglagay ng bagong rules. Halimbawa, iba-ibang pasok para hindi sabay-sabay napupuno. Iba-iba rin ang uwi. Dagdagan ang school buses. At certain hours dapat apat ang laman ng sasakyan. Maraming magagawa pero hindi pa sinusubukan,” diin ni Gordon.

“Kung makikita mo ang transportation natin hindi comprehensive. Example, tren andito na riles, andito na daaanan pero kulang ang tren, kulang istasyon, hindi nagagamit mabuti at pagdating sa jeep at bu, yung jeep lumang mode na dapat palitan na ng mas malaki tulad ng modern jeep at ejeep. Dapat gumawa na ng komprehensibong strategy,” giit naman ni Gatchalian.

Binanatan din ni Gatchalian ang mga tumututol sa modernization program sa mga pampasaherong jeep.

“Dapat may sakripisyo at reporma. Masakit sa una pero sa dulo naman magiging maginhawa. Lumalabas na sobra-sobra ang jeep natin at hindi na episyente dahil maliit ang capacity, di rin dugtong dugtong ang ruta. Kailangan talaga ng reporma na marami ang magagalit, marami nag-i-strike so ibig sabihin importante na maintindihan ng transport sector na kung gusto nating guminhawa mag-cooperate tayo sa repormang ipinatutupad ng pamahalaan,” diin ni Gatchalian.

360

Related posts

Leave a Comment