WALA na ngang urungan pa ang pagsasalpukan ng tatlong local movies sa November 13 (Wednesday) playdate – na bihira na ngang mangyari sa ngayon.
It will be Lovi Poe vs. KZ Tandingan vs. Yen Santos ang magiging eksena sa nasabing petsa dahil sabay-sabay na magbubukas sa mga sinehan sa buong bansa ang kanilang mga pelikula.
Ang movie ni Lovi ay ang romance-dramang The Annulment with Joem Bascon from Regal Entertainment, directed by Mac Alejandre (na ilang taon ring hindi nagdirek ng pelikula). “Pasabog” ang daring love scenes dito nina Lovi at Joem. Tungkol sa pagbi-break up ng mag-asawa ang pelikulang ito.
Ang singer na si KZ Tandingan ay susubukan ang pag-arte via her first film, The Art Of Ligaw, with Epy Quizon, under its first-time director Jordan Sebastian. From CoreMinds and MindFuel Productions (ni Epy), ang “hugot” movie na ito.
Lastly, sa Two Love You na romantic-comedy movie ni Yen Santos, leading man niya ang Hashtag member Kid Yambao, with Lassy Marquez. Si Yen ay huling napanood sa hit TV series na “Halik” ng ABS-CBN. Produced ito ng OgieD Productions ni Ogie Diaz, Lonewolf Films, at CMB Film Services.
Iba-iba naman ang target audience ng tatlong ito, kaya kahit na magsasalpukan sila sa box office, eh, suportahan po natin ang sariling atin.
Cannes and Berlin winners/nominees may Philippine premiere sa QCinema 2019
Simula na ng QCinema International Film Festival 2019, with Quezon City Mayor Joy Belmonte as head and Ed Lejano as festival director.
Ang participating venues ay Gateway, Trinoma, Robinsons Galleria, UPFI Cine Adarna, Cinema 76 Anonas, at Cinema Centenario.
Sa main competition na Asian Next Wave, ang tatlong pelikulang Pinoy ay ang Babae At Baril ni Rae Red, Kaaway Sa Sulod (The Enemy Within) ni Arnel Barbarona, at Cleaners ni Glenn Barit.
They will compete with other Asian films: Ave Maryam by Robby Ertanto (Indonesia), Fly By Night by Zahir Omar (Malaysia), Nakorn-Sawan by Puangsoi Aksornsawang (Thailand), The Long Walk by Mattie Do (Laos), at Suburban Birds by Sheng Qiu (China).
In competition rin ang anim na local short films under QCinema Shorts: Excuse Me, Miss, Miss, Miss by Sonny Calvento, Isang Daa’t Isang Mariposa by Norvin De los Santos, Judy Free by Jean Cheryl Tagyamon, Tokwifi by Carla Pulido Ocampo; Here, Here by Joanne Cesario, at SPID by Alejo Barbaza and Mervine Aquino.
Now on its seventh year, kinikilala na ang QCinema bilang isa sa pinaka-bonggacious na film festival sa buong Asia dahil sa kanilang panalong lineup of award-winning titles mula prestigious international film festivals like Cannes and Berlin, under the Screen International (exhibition) section:
Beanpole by Kantemir Balagov (USA), Grace A Dieu (By The Grace of God) François Ozon (USA), Nina Wu by Midi Z (Taiwan), Bacurau by Kleber Mendonça Filho and Juliano Dornelles (USA).
Then there’s Frankie by Ira Sachs (USA), Synonyms by Nadav Lapid (USA), The Whistlers (La Gomera) by Corneliu Porumboiu (USA).
Nandiyan din ang God Exists, Her Name Is Petrunya by Teona Mitevska (France), On A Magical Night by Christophe Honore (France), at High Life by Claire Denis (USA).
Puro mga Philippine premieres ang mga ito, so, sa mga film buffs, these titles are not to be missed on QCinema, from October 13-22!
For more information and updates, visit www.qcinema.ph.
379