(NI DAHLIA S. ANIN)
TUMAMA ang 4.6 magnitude na lindol bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro.
Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.
Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa kanilang silid aralan matapos maramdaman ang lindol. Pinag-iingat ang mga residente dahil sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.
Samantala, niyanig din ng isang 4.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental bandang alas 9:37 ng umaga.
Ayon sa PhiVolcs, naitala ang epicenter nito sa 126 kilometro TimogSilangan ng munisipalidad ng Jose Abad Santos.
Tectonic din ang sanhi ng lindol na may lalim na 33 kilometro.
Wala namang naitalang pinsala sa lugar dahil sa lindol.
138