(NI HARVEY PEREZ)
MALAPIT nang ibahagi sa publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ,ang P20 . coins na.magiging kapalit ng P20 bills, na ginagamit ngayon sa bansa.
Nabatid na ipinasiya ng BSP, na gawin na lamang barya ang P20 bills dahil mas cost-effective ito.
Ngayong Disyembre, ilalabas sa publiko ang P20 coins bago ito tuluyang ilabas sa sirkulasyon sa 2020.
Nalaman na ipakikita kay BSP Governor Benjamin Diokno ang pinal na disenyo ng naturang bagong barya sa ceremonial launch nito.
Sinabi ng BSP na pananatilihin nila ang mga pangunahing elemento ng P20 bill at titiyaking mas madali itong matutukoy mula sa iba pang mga barya.
Ang P20 bill, na pinakagamit na pera sa bansa, ay kulay orange at may imahe ni dating Pangulong Manuel L. Quezon at ng Palasyo ng Malacañang sa isang bahagi, habang makikita naman ang Banaue Rice Terraces at palm civet sa kabilang bahagi nito.
Plano na rin ng BSP na maglabas ng mas pinahusay na bersiyon ng P5 coins upang maiba ito kumpara sa iba pang coins matapos na nakayanggap ng reklamo
ng mga consumers na mahirap tukuyin ang P5 na barya mula sa P1 coins at P10 coins na pare-pareho ang kulay, at halos magkakasinglaki.
161